Ang Kalinisang Puri at Pagmamahal Ang Kalinisang Puri at Pagmamahal Ang kalinisang puri ay isang pagkilos. Ito ay pag-oo at hindi pag-hindi. Ito ang pag-oo sa pagkatao ng tao. Ang birtud na ito ay tumitiyak na kailanman hindi titingnan ang minamahal bilang isang bagay. Hindi nagiging tagumpay ang pagsasamang sa kasiyahan ng katawan nakabatay dahil hindi dito pinahahalagahan ang pagkatao ng tao. Hindi nga ba, sa panliligaw, ang madalas sabihin ng mga lalaki sa kanilang nililigawan at sa pamilya nito, "Malinis po ang hangarin ko sa kanya." Ibig sabihin, hindi katawan lamang niya ang habol ko, kundi ang buong pagkatao niya. Ang iba naman ang sinasabi, kung nasa husto nang gulang, "Handa ko po siyang pakasalan." Sabi nga ng Banal na Papa Juan Paulo II, ang taong may kalinisang puri lamang ang may kakayahang magmahal ng tunay. Ang Pagmamahal ay Mapagbuklod Ang pagmamahal ay nagbubuklod sa dalawang taong nagmamahalan. Samakatwid iisang pagmamahal lang ito n...