Bigyang Reaksyon Ang Pahayag Ni Ibarra Na : "Ang Karukhaan Ng Bayanay May Tiyak Na Kaugnayan Sa Kalayaan"

bigyang reaksyon ang pahayag ni ibarra na : "ang karukhaan ng bayanay may tiyak na kaugnayan sa kalayaan"

"Ang karukhaan ng bayan ay may tiyak na kaugnayan sa kalayaan"

Batay sa pahayag ni Ibarra sa bayan at kalayaan masasabing maaaring tama siya sapagkat ang mga naghihirap na bayan ang kalimitang sinasakop ng mga bansang mayaman o may kapangyarihan. Kung ating babalikan sa kasaysayan maraming bansa ang nasakop ng Espanya isa na rito ang Pilipinas kung saan ninanais nilang maging probinsya tayo ng bansang Espanya dahil sa mayaman ang kanilang bansa at wala tayong lakas upang lumaban hindi natin nakamit ang ating kalayaan sa loob ng mahabang panahon nang kanilang pananakop. Hanggang sa dumating ang mga Amerikano na isa ring mayamang bansa kung kayat nakamit lang natin ang kalayaan sa tulong nila ngunit ito pala ay isa lamang patibong.

brainly.ph/question/395822

brainly.ph/question/1477820

brainly.ph/question/800871


Comments

Popular posts from this blog

What Is In The Fourth Republic Of The Philippines And Its Importance?