Ang Kalinisang Puri At Pagmamahal

Ang Kalinisang Puri at Pagmamahal

Ang Kalinisang Puri at Pagmamahal

Ang kalinisang puri ay isang pagkilos. Ito ay pag-oo at hindi pag-hindi.

Ito ang pag-oo sa pagkatao ng tao. Ang birtud na ito ay tumitiyak na kailanman hindi titingnan ang minamahal bilang isang bagay. Hindi nagiging tagumpay ang pagsasamang sa kasiyahan ng katawan nakabatay dahil hindi dito pinahahalagahan ang pagkatao ng tao.

Hindi nga ba, sa panliligaw, ang madalas sabihin ng mga lalaki sa kanilang nililigawan at sa pamilya nito, "Malinis po ang hangarin ko sa kanya." Ibig sabihin, hindi katawan lamang niya ang habol ko, kundi ang buong pagkatao niya. Ang iba naman ang sinasabi, kung nasa husto nang gulang, "Handa ko po siyang pakasalan."

Sabi nga ng Banal na Papa Juan Paulo II, ang taong may kalinisang puri lamang ang may kakayahang magmahal ng tunay.

Ang Pagmamahal ay Mapagbuklod

Ang pagmamahal ay nagbubuklod sa dalawang taong nagmamahalan. Samakatwid iisang pagmamahal lang ito na pinagsasaluhan ng mga nagmamahalan. Hindi ito basta pagsusukli lamang sa pagmamahal sa atin kundi pakikibahagi sa iisang karanasan. Sabi nga ninyo sa wikang Ingles, "the feeling is mutual" o MU, pero mas angkop siguro ang "the feeling is shared".  

Ang tunay na pagmamahal ay ang lubos na paghahandog ng buong pagkatao sa minamahal. Ang pinakamahalagang palatandaan ng paghahandog na ito ay ang pagpapakasal. Ipagkakaloob mo ang iyong kalayaan at itatali mo ang iyong sarili sa minamahal habambuhay. Mangangako kayong magmamahalan sa hirap at ginhawa, sa sakit at sa kalusugan hanggang kamatayan. Iyo na siya at ika'y kanya; mabaho man ang hininga, malakas man maghilik, malakas kumain, maging sino man siya, habambuhay!  

Magagawa mo lamang ito kung ganap na ang iyong pagkatao – ang pagkalalaki o pagkababae. Kung sa wakas ikaw ay handa na at nakatagpo ng kabiyak, magiging responsibilidad ninyo kapwa ang isa't isa, at ito'y malugod ninyong tatanggapin dahil sa pagmamahal na inyong pinagsasaluhan. Ngunit, sa yugtong ito ng buhay mo, hilaw pa at hindi pa ganap ang iyong pagkalalaki at pagkababae. Sa katunayan, sa ngayon, kulang ka pa sa kakayahan na pangalagaan ang iyong sarili. Sa ngayon, responsibilidad ka pa ng iyong mga magulang. Karapatan mo ang makinabang ng pagkatuto sa mga naging karanasan nila sa pagmamahal kaya't hindi dapat mahiya o matakot na sumangguni sa kanila.

Pagmamahal ay Isang Birtud

"Maraming nagsasabi na ang pagmamahal ay maaring sukatin sa pamamagitan lamang ng pagiging tunay ng damdamin, ngunit ang pagmamahal ay isang birtud at hindi isang emosyon; at lalong hindi pagpukaw lamang sa diwa at mga pandama."

Dahil nga ito'y birtud, ang pagmamahal ay nangangailangan ng paglinang at pagkilos upang mapaunlad ito.  

Dalawang uri ito, ang pagbibigay-buhay na ito ay maaring sa paraang pisikal o sekswal  

– ang pagsisilang ng sanggol, o sa paraang ispiritwal  

– ang mabuhay bilang biyaya na nagbibigay-buhay din sa iba.

Kaya nga piliin man natin ang bokasyon sa pagmamahal bilang isang babae o lalaki na walang kabiyak, kung ang pagmamahal natin sa kapwa ay nagbibigay-buhay, magiging mabunga at makabuluhan din ang ating buhay. Tinutupad din natin ang bokasyon sa pagmamahal

Mga ibang ideya tungkol sa kalinisang puri:

brainly.ph/question/1300119

brainly.ph/question/1261274

brainly.ph/question/1261272


Comments

Popular posts from this blog

What Is In The Fourth Republic Of The Philippines And Its Importance?